"taena bat kasi kelangan pa tumanda"bakit nga ba? isa to sa mga katanungang bumabagabag sa lahat ng mga nakakatanda sa ating lipunan. naks ang lalim. at bakit ko naman naisipan isulat yan? wala lang. napag usapan lang namin ng isa kong tropa sa yupangco forum habang nagpapatay ng oras dito sa office. sa sobrang kabatuhan eh kung ano ano na ang napag uusapan namin dito. mula sa mga keyboard shortcut, VB, hanggang sa pagbabanda pati na rin trabaho. hanggang sa mapag usapan na rin ang tungkol sa edad. ewan ko ba. nung sinabi nya yang linyang yan napaisip din ako.
sabi nga nila, rhetorical question na raw yan (kung ano man ang ibig sabihin ng "rhetorical" eh wala na akong balak alamin pa). sabayan pa ng tugtog sa crossover (online radio ng 105.1) eh lalo lang akong inantok at napa-senti ng kaunti. na alala ko tuloy nung high school pa ako pati na rin nung college. ang saya ng buhay nun. wala masyadong iniintindi. pasok lang sa iskul at problemahin ang baon. pag walang ginagawa, mag gitara mag isa o maki jam na lang. haay ang saya nung araw. hindi kagaya ngayon, problema mo na yung pagkita ng pera, problema mo pa trabaho mo. pati na nga kung paano ka papasok sa trabaho problema mo pa rin.
akala ko nung estudyante pa ako, maka graduate lang ako ok na. solb na. wala ng problema. hindi pala.
dati nung high school pa ako, halos lahat ng kasama ko nagpapatanda ng edad. kasi pag mas matanda ka na magagawa mo na lahat ng gusto mo. nung college, ok na. nasa tamang edad na kami. lahat ng bagay pwede na naming gawin. o di ba ang saya. pero ngayon, lahat yata ng kaedad ko eh nagpapabata. kung nung dati pag tinanong mo kung ilang taon na sya ang sasabihin sa iyo "oi 18 na ako", ngayon iba na ang isasagot sa iyo. maswerte ka kung sagutin ka pa o hindi ka murahin pag inasar mo sya sa edad nya. napaka ironic.
na alala ko pa nung first job ko. lahat ng katrabaho ko eh kasing edad ko lang. lahat kami nun fresh grad. ngayon pag tumingin ako sa paligid ko, isa na yata ako sa mga pinakamatanda dito. onti na nga lang ang ka age ko dito eh. buti na lang walang tumatawag sa akin ng kuya dito.
ang hirap talaga ng tumatanda. parang araw araw nadadagdagan ang problema. pati ba naman edad pinoproblema ko pa. hay nako. bakit nga ba kailangan pang tumanda?